Ang Alamat ng Janitor Fish

ALAMAT NG JANITOR FISH

Sa panulat ni:

Danica Marie C. Catene

BEED 3-1D

                Noong unang panahon, sa isang nayon, ang mga tao ay naninirahan malapit sa ilog, kaya nama’y sila ay tinawag na mga taga-ilog. Ang ilog na ito ay sagana sa likas na yaman; maraming isda at iba pang hayop at halaman ang naninirahan dito. At dahil dito, ito ang naging pangunahing sanhi ng pamumuhay ng mga taga-ilog. Kaya naman ang ilog ay inaalagaang mabuti ng mga taga-ilog. Lingid sa kaalaman ng mga taga-ilog, ang ilog na ito ay pinangangalagaan at binabantayan ng diwatang tubig na si Poseidina. Masaya si Poseidina sa ipinapakitang malasakit ng mga taga-ilog sa kanilang kalikasan at sa ilog na pinagkukuhanan nila ng pamumuhay.

                Ang pamilyang Pasig ay masipag sa pagaasikaso at paglilinis sa ilog bilang pagtanaw ng utang na loob dito. Ang haligi ng kanilang tahanan, ay isang mangingisda. Inaalagaan nila ang mga isda hanggang sa ito ay lumaki bago niya hulihin. Samantala, ang ina naman ay ang nagbebenta ng mga isdang nahuli ng kanyang asawa sa kanilang nayon. Bawat miyembro ng kanilang pamilya ay nagtutulong-tulong. Maliban sa bunsong anak na si Janito. Si Janito ay tamad at ayaw na napaguutusan. Wala siyang malasakit sa kapaligiran nya lalo na sa ilog. “Bakit pa ba nila inaalagaan ang ilog na iyan? Ako nga dapat alagaan dahil ako ang pinakabata” bulong ni Janito sa sarili. Wala siyang balak na alagaan ang ilog, sa halip ay pinagmamalupitan nya pa ito dahil sa kanyang pananaw, hindi na ito dapat pang alagaan dahil kaya naman nyang mabuhay ng mag-isa.

                Isang araw, nautusan si Janito ng kanyang ina na magtapon ng basura sa hukay na ginawa ng kanyang ama sa likod ng bahay upang maging pataba. Tinamad na naman si Janito dahil aniya mas malapit ang ilog kaysa sa likuran ng kanilang bahay. Walang anu-ano’y ibinuhos nya ang mga basura sa ilog. Nakita ito ni Poseidina ngunit kanya na lamang pinalagpas ang ginawa ng bata. Masayang bumalik si Janito sa kanilang bahay upang ipamalita na nagawa na niya ang kanyang tungkulin, at maaari na siyang mamahinga. Kinahapunan, “Janito! Janito!” bulalas ng kanyang ina. Napabangon si Janito sa pagkakahiga, “Ano po iyon inay?” “Saan mo tinapon ang mga kalat na aking pinatapon?” sabi ng ina na pagalit na tono. Napakamot ng ulo si Janito, “Sa ilog po inay, bakit po? Wala naman pong masama sa pagtatapon ng dumi sa ilog, dadalhin rin naman ito ng mga alon at tuluyan ng mawawala.” “Anak, ang ilog na iyan ang tumutulong sa atin, nararapat lamang na alagaan natin siya upang patuloy nya pa rin tayong tulungan” pangaral ng ina. “Ah basta! Wala akong pakialam sa ilog na yan” padabog na sa sinabi ni Janito at saka umalis. Napailing na lamang ang kanyang ina.

                Sa sama ng loob, umalis si Janito ng bahay upang mag-isip kung paano sya makakaganti sa ilog. “Nang dahil sa’yo ako ay napagalitan ng aking ina! Paghihigantihan kita!” wika ni Janito sa ilog. Napapailing lamang si Poseidina sa kanyang narinig. Nang mga sumunod na araw, nagpakita ng kasipagan si Janito, naglilinis sya sa kanilang bahay at kinukuha ang mga basura, maging ang mga basura ng kanilang kapitbahay ay kinukuha nya rin. Tuwang-tuwa naman ang mga tao sa ipinakita nyang pagbabago. Ngunit ang di nila alam, iniipon niya ito at itinatago sa kagubatan. Nag-iintay lamang siya ng pagkakataon na dumami ang mga dumi na iniipon nya at kanya itong itatapon sa ilog. Dumami ng dumami ang mga dumi hanggang sa maging mala-bundok ang laki ng basura. Isinakay niya ito sa bangka at siya ay pumalaot na sa ilog. Nang makarating sa gitna kung saan pinakamarami ang nakatirang mga isda, kanyang itinapon ang lahat ng basura. Nagkalat ito sa ilog, lumutang ang iba at ang iba ay lumubog at tumama sa tirahan ng mga isdang naninirahan sa ilog kaya nasira ang mga ito. Lubos na napinsala ang ilog pati na rin ang mga isda, karamihan sa kanila’y nalason at namatay. Maduming madumi na ang ilog ngayon. Tuwang-tuwa si Janito. Kinabukasan, nagulat ang mga tao sa nangyari sa ilog. Lahat sila’y umiyak at napaluhod sa harap ng ilog dahil sa nangyari dito. Nakita nyang umiiyak ang kanyang mga magulang. Ang tatay niya ay onti lang ang nahuling  isda. Awang-awa ang mga taga-ilog sa sinapit ng ilog. Nagtulong-tulong sila upang malinis uli at mabalik sa dati ang sigla ang ilog. Natanggal nila ang mga dumi na kumalat sa ilog, naging malinis uli ang ilog. Ngunit, hindi na ito katulad ng dati, ang dating malinaw ay naging malabo na. Nagusap-usap ang mga taga-ilog upang dagdagan pa ang kanilang sikap sa pag-aalaga sa ilog. Inis na inis naman si Janito, “Kailangan ko pang mag-isip ng mas epektibong paraan upang masira yang ilog na yan!” sambit ni Janito.

                Nakaisip na naman ng masamang plano si Janito. Nag-ipon siya ng mga kemikal na ginagamit ng ng kanyang ina sa paglilinis ng bahay, mga dumi ng tao at hayop sa kanilang lugar, mga sunog na troso, malalaking bato, at mga kalat sa kapaligiran nila. Nang sumapit na ang hatinggabi, isinilid nya sa sako ang lahat ng kanyang naipon para masira ang ilog. Pasakay na sya sa bangka ng magpakita si Poseidina, ang diwata ng tubig. “Janito, wag mo ng ituloy ang iyong binabalak. Walang kasalanan ang ilog sa iyo, inaalagaan siya ng mga tao bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagbibigay niito ng kanyang mga yaman.Kung sisirain mo ito, mawawalan ng ikabubuhay ang mga taong naninirahan dito, maging ang iyong pamilya. Masisira ang ilog at mamamatay ang mga isda. Mawawalan kayo ng makakain” Sabi ng diwata. “Sino ka para pagsabihan ako? Wala kang karapatan para makialam sa mga balak ko! Alis!” sigaw ni Janito sa diwata. Itinuloy pa rin ni Janito angkanyang plano. Itinapon niya lahat ng masasamang bagay sa ilog. Tumama ang mga bato sa tirahan ng mga isda, nalason ang mga isda sa mga kalat at kemikal. Umitim at bumaho ang ilog. Tuluyan na itong nasira at namatay ang lahat ng nabubuhay dito. Galit na galit ang diwata. Nang makita ito ng mga taga-ilog, sila’y napaluhod sa harap nito at lumuha. Hindi nila alam kung paano nangyari ang lahat ng ito. Sila ay naghihinagpis sa pagkawala ng pangunahin nilang ikinabubuhay habang si Janito ay masayang masaya sa nangyari.

                Sa kalagitnaan ng kanilang paghihinagpis, muling nagpakita ang diwata. Sinabi niyang si Janito ang may kagagawan ng lahat ng ito. Isinalaysay niya ang lahat ng ginawang pagmamalupit ni Janito sa ilog.Ang dating malinaw, malinis, at mabangong ilog ay naging maitim, madumi at mabaho na ngayon. Nagalit ang mga taga-ilog kay Janito lalo na ang kanyang mga magulang. Ngunit, sa halip na siya ay humingi ng tawad, pinagtawanan nya pa ang mga tao “Hahaha! Mabuti nga sa inyo!” Lalong nagalit ang diwata, “Dahil sa iyong pagiging tamad at pagkawala ng malasakit sa mga taong nakapaligid sa iyo at sa ilog na ito, gagawin kitang isda! Upang linisin ang mga kalat na kinalat mo sa ilog na ito habang buhay!” At naging isda nga si Janito, siya ay naging isang maitim at may malapad na bibig na laging nakabuka na siyang ginagamit sa kanyang paglilinis. Ang isda ay tinawag na isdang Janito, nang sinakop tayo ng mga Amerikano ito ay naging Janitor Fish sa wikang Ingles. Ang ilog na ito ay ang Ilog Pasig ngayon, na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nililinis ni Janito.

       

Unfinished work of Fernando Amorsolo :) Ang gandaaaaa! :”>

Unfinished work of Fernando Amorsolo :) Ang gandaaaaa! :”>

With my pretty daughter, my baby :”> Dalaga na siyaaa.

With my pretty daughter, my baby :”> Dalaga na siyaaa.

I hide beyond those perfect smiles.

I hide beyond those perfect smiles.

At nagpagupit nga kami :DD I so love our hair. :D
First and same haircut together. :”>

Almost everyone had the a similar reaction. Bagay ba sken short hair? :)

At nagpagupit nga kami :DD I so love our hair. :D

First and same haircut together. :”>

Almost everyone had the a similar reaction. Bagay ba sken short hair? :)

my ever pretty Bestfriend on her 18th birthday :”>
I so love this girl. <3

e sana lang maging masaya pa tyo. More gaguhan years to come :D

my ever pretty Bestfriend on her 18th birthday :”>

I so love this girl. <3

e sana lang maging masaya pa tyo. More gaguhan years to come :D

nasa LRT2 kami. Pauwi.
Sumandal yung bestfriend ko sa pintuan.
Sabi ko, &#8220;Uy! Do not lean on doors daw oh.&#8221;
Sabi niya, &#8220;Ay, ganun ba? Can I lean on you?&#8221;
Pfffft.
Hahaha! Ansabeeeee? X)

Pag nabasa mo &#8216;to, siguradong maaalala mo yang kalokohan mo. :))

nasa LRT2 kami. Pauwi.

Sumandal yung bestfriend ko sa pintuan.

Sabi ko, “Uy! Do not lean on doors daw oh.”

Sabi niya, “Ay, ganun ba? Can I lean on you?”

Pfffft.

Hahaha! Ansabeeeee? X)

Pag nabasa mo ‘to, siguradong maaalala mo yang kalokohan mo. :))

Wala na akong naramdaman kundi,

Ang sakiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit ng lower back ko. :((((((((

SAD :(

SAD :(

Wala naman akong sinabing tanga ang bestfriend ko e. :(

Wala naman akong sinabing tanga ang bestfriend ko e. :(